Connect with us

International

Death toll sa US dahil sa COVID-19, sumirit na sa 9

Published

on

Photo| Forbes.com

Umakyat na sa 9 ang death toll ng novel coronavirus sa United States partikular sa Washington kung saan isang nursing home na Life Care Center sa Seattle ang epicenter ng sakit.

Walo sa naitalang nasawi ay mula sa King County at Snohomish County.


Umabot na sa 100 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kapwa sa coasts at Midwest.

Ayon kay Susan Gregg, spokeswoman ng Seattle’s Harborview Medical Centre, kung saan namatay ang isang pasyente, tinutukoy na ng mga opisyal ang mga nakasalamuhang health workers ng biktima.

Kaugnay nito, sinuspende rin ng nursing home ang pagpapapasok ng mga bisita o kapamilya sa Life Care Center.

Ginagawa na ngayon ng mga health officials sa buong mundo ang lahat para maibsan ang pagkalat ng virus na mula sa China at naging sanhi ng pagkamatay ng 3,100 katao sa buong mundo.

Source: https://www.channelnewsasia.com/news/world/us-death-toll-from-covid-19-rises-to-nine-12497920

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *