International
Dalawang taong gulang na bata sa Florida, nabaril ang tatay sa likod; nanay, ikinulong


Nakakulong ngayon ang isang ina matapos mabaril ng kanyang dalawang taong gulang na anak ang kanyang asawa.
Matapos makatanggap ng 911 call, agad na nagtungo ang mga kapulisan sa bahay ni
Reggie Mabry sa Orlando, Florida.
Nabungaran nila si Mabry na nakahandusay sa sahig at nilalapatan ng CPR ng kanyang asawang si Marie Ayala.
Noong una ay inakala ng mga kapulisan na nagbaril sa sarili ang 26-taong gulang na ama subalit kinalauna’y sinabi ng panganay nilang anak na ang kanyang kapatid umano ang bumaril sa kanilang ama.
Ayon sa arrest affidavit ng Orange County Sherrif’s office, naglalaro umano si Mabry ng video games nang buksan ng anak ang isang bag na nakalapag sa sahig. Dinukot umano ng bata ang baril na nakasilid sa bag at binaril sa likod ang ama.
Isinugod sa pagamutan si Marby ngunit pumanaw din kinalaunan.
Kinasuhan ng manslaughter ang asawa ni Mabry na si Ayala dahil umano sa pagpapabaya.
“The gun was not properly stored, and in fact, it was easily accessible even to a two-year-old, and the result is a tragedy in this community that no one can comprehend,” ani Orange County Sheriff John Mina sa isang news conference.
Sa isang pahayag na inilabas ng departento, sinabi nila na bagamat walang natamong physical injury ang mga bata, habang buhay nilang dadalhin ang emotional wounds dahil sa pangyayari.
“Not only have they effectively lost both parents, the toddler who accidentally shot his father in the back will have to grow up with the knowledge that his actions caused his dad’s death. If you own a gun, always be responsible,” paalala pa ng kapulisan. |Glesi Lyn Sinag #RadyoTODO #InternationalNews