Connect with us

International

Baryang naiwan sa ilong, naibahing palabas makalipas ang 10 taon

Published

on

Larawan mula sa newsrebeat.com

Gulat at ginhawa ang naramdaman ng 14-taong gulang na si Umair Qamar ng Croydon, London matapos mailabas ang baryang 10 taon nang nasa loob ng kaniyang ilong.

Hindi na umano niya masyadong maalala ang mga pangyayari dahil halos 4 na taong gulang pa lamang siya nang ipasok niya sa ilong ang baryang 5 pence. Ang 5 pence ay bahagyang mas maliit sa baryang 25 sentimos ng Pilipinas.

Ayon kay Afsheen Qamar, 43, ina ng binatilyo, makailang beses niya ring dinala noon sa doktor ang anak dahil sa inirereklamo nitong masakit na ilong. Wala umanong nakitang barya o kung ano pa man sa ilong mg kaniyang anak.

Salaysay ng binatilyo, halos hindi na niya maalala ang ginawa noong bata pa siya. Nitong nakaraang ilang araw lamang umano ng makaramdam siya ng bahagyang sakit sa ilong na kaagad naman niyang sinabi sa kaniyang ina.

Kwento pa ni Umair, “I thought there was something stuck in there as I could feel something hard in my nose so I went back upstairs and held my left nostril, breathed in and then breathed out of my right one.”

Ikinagulat na lamang ni Umair at ng kaniyang pamilya ng ibahing niya palabas ang baryang isang dekada nang nasa loob ng kaniyang ilong.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *