Connect with us

International

7 estudyante, 1 guro patay sa pamamaril sa Russian school

Published

on

Photo| Screen grab/France 24 English

Umatake ang isang gun man sa isang eskwelahan sa Kazan, Russia nitong Martes kung saan 8 katao ang namatay kabilang ang 7 estudyante at isang guro.

Bukod sa napaulat na namatay, 21 iba pa ang sugatan sa insidente batay sa Russian officials.

May mga mag-aaral na maswerteng nakatakas nang mangyari ang pang-aatake habang may mga natrap naman sa loob.
Nakapag-evacuate naman ang iba sa kalapit na kindergarten.

Ayon sa gobernador ng Tatarstan republic na si Rustam Minnikhanov, apat na lalaki at tatlong babae na mga grade 8 students ang namatay sa pamamaril kasama ang isang guro.

Base naman sa mga health officials, 6 ang naka-ICU mula sa 21 indibidwal nasugatan sa pag-atake.

Naaresto naman ang 19 anyos na terorista na responsable sa krimen.

“The terrorist has been arrested, (he is) 19 years old. A firearm is registered in his name. Other accomplices haven’t been established, an investigation is underway,” saad ni Minnikhanov.