Connect with us

International

25 nasawi sa pananalasa ng buhawi sa Nashville, Tennessee

Published

on

Photo| Reuters/Harrison McClary

Hindi bababa sa 25 ang nasawi sa pananalasa ng buhawi sa Nashville, Tennessee.

Maging ang mga gusali at power lines ay napabagsak ng buhawi na magkakasunod na tumama doon.


Mahigit 140 na gusali ang nawasak kung saan naipit ang mga nasawing indibidwal habang 150 katao pa ang sugatan at dinala sa ospital.

Ani Governor William Lee sa isang news conference, inaasahan pang dadami ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na isinasagawang search-and-rescue sa lahat ng mga natumbang gusali.

Sinabi ni Putnam County Mayor Randy Porter na bagaman nakapaglabas ng babala ang National Weather Service ay masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi na nagawang makalikas ng mga residente.

Nagdeklara na ng emergency ang gobernador sa apektadong lugar at nagpadala ng national guard para tulungan ang mga naapektuhan

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *