Connect with us

International

NAKED BIKE RIDE 2021 SA PHILADEPHIA, TULOY SA GITNA NG PANDEMYA

Published

on

Photo| Philly Naked Bike Ride/ Facebook Page

Hindi na kailangan ng mga Philadelphia bike riders na magsuot ng damit, pantalon o underwear sa Naked Bike Ride 2021, kundi mask lang.

Ayon sa organizers ng taunang Philly Naked Bike Ride, isasagawa ang nasabing event sa August 28 kung saan dapat magsuot ng mask ang mga riders na sasali.


Tinanggal na ang COVID-19 rules sa lugar dahil sa mataas na bilang ng mga nabakunahan at mababang kaso ng COVID-19 pero tuloy pa rin sila sa planong pagsuot ng mask.

Nagtitipon-tipon ang umaabot sa halos libu-libong riders sa isang lugar para maghubad at mag body paint sa kani-kanilang katawan bago magsimula na mag-bike.

Layon ng naked ride na i-promote ang positive body image at adbokasiya sa kaligtasan ng mga cyclists.

Hindi natuloy ang pagpadyak ng mga naked riders nitong nakaraang taon dahil sa coronavirus pandemic.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *