Connect with us

International

PINOY SORBETES, IBIBENTA SA NEW YORK BILANG PAGGUNITA NG ARAW NG KAGITINGAN

Published

on

Larawan mula sa So Sarap NYC/@craignisperos

Ibebenta ang sorbetes, o mas kilala sa dirty ice cream, sa isang tindahan sa New York bilang paggunita ng Araw ng Kagitingan ng bansa.

Kamakailan lang ay nag-upload ang So Sarap NYC, isang Pinoy street food cart business sa US, ng isang promotional video sa Facebook.   Ipinapakita sa nasabing video ang isang lalaki na nagtutulak ng dilaw na kariton ng sorbetes sa harap ng mga kilalang landmark ng  Newy York.  Ang kariton ay kahalintulad sa mga karitong nakikita sa Pilipinas.

Makikita rin sa video na iniaalok ng lalaki ang dilaw-at-kulay-ubeng sorbets at ice cream sandwich.

Ayon sa may-ari ng So Sarap NYC na si VJ Navarro, naisip nilang dalhin sa New York ang iconic na Pinoy cart para sa pagdiriwang ng Independence Day ngayong taon dahil nais umano nilang ipaalala sa mga Pilipino sa US ang kanilang mga kabataan.

“Lumaki po ako sa Pilipinas kung saan palagi po kaming nililibre ng lolo namin ng dirty ice cream kapag may dumadaan sa aming kalye. Naalala ko po ’yung sarap ng ice cream habang nage-enjoy kasama ang buong pamilya,” ani Navarro.

Dagdag pa ni Navarro, ang nasabing proyekto ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng So Sarap NYC at Kabisera Cafe, isang Filipino cafe sa New York.

Siniguro umano nila na lasa at tekstura ng kanilang sorbetes ay kahalintulad ng mga inilalako sa Pinas.

“Since my favorite flavors are ube (purple yam) and cheese, we thought of making those flavors first because cheese is not a known ice cream flavor here in the US. We wanted to share it with our non-Filipino customers to try,” pahayag ni Navarro.

Iikutin ng dirty ice cream cart ang Times Square at iba pang parte ng New York City sa June 12-13.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *