Connect with us

International

CLASSROOM SA BUHANGIN: Mga estudyante sa Spain, nag-aral sa tabing-dagat

Published

on

Photo Courtesy| Nocha Doce via Reuters

Dinala ng Felix Rodriguez de la Fuente school sa Murcia ang kanilang mga estudyante sa tabing-dagat bilang kaparte ng proyektong Fresh Air ngayong may pandemya.

Naglatag ng mga mesa at upuan ang mga guro sa baybayin ng Playa de los Nietos (Grandchildren’s Beach) para sa halos 100 na estudyante na may edad 3-12 taong gulang.

Pahayag ni English teacher Juan Francisco Martinez, “It’s safe, the children are having great fun.” Dagdag pa niya, “What they learn here they don’t forget.”

Ang ansabing hakbang ay hindi lang para maiwasan ang pagkalat ng virus sa pandemya, kundi para matuto rin ang mga estudyante sa local environment.

Ipinakita rin ng mga mangingisda ng Mar Menor sa mga bata kung paano sila manghuli ng mga isda gamit ang lambat.

“Fishermen taught the students how to fish … how they themselves have been able to feed us in times of pandemic,” ani headteacher Alfonso Vera.

“I love going to the beach!” saad ng 9-anyos na si Antonio Fernandez. “I prefer to be at the beach because I feel more relaxed and comfortable.”

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *