Connect with us

International

PINAY SA CANADA, PINATAY AT SINUNOG NG KAPWA FILIPINO

Published

on

Larawan mula sa gmanetwork.com

Isang Filipina ang pinatay at sinunog ng kaniya mismong mga kapwa Pinoy sa City of Burnaby, Vancouver, Canada. Ang biktima ay kinilalang si Maria Cecilia Loreto, 49-anyos at residente ng New Westminister.

Ang mga suspek sa karumal-dumal na krimen ay kinilala namang sina Carlo Tobias, 21-anyos, at ang kasabwat niyang 15-anyos. Kasalukyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang dalawa.

Marso 17 umano nang i-report na nawawala ang biktima. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, na pinaslang ang biktima sa kaniyang sariling bahay sa New Westinster.

Kinabukasan, bandang alas-dos ng madaling araw ng Marso 18 ay natagpuan ng Barnuby Royal Canadian Mounted Police (RCMP) ang sunog na bangkay ni Loreto sa Burnaby’s Greentree Village Park. Sa inisyal na imbestigasyon, nasa parke umano ang biktima ilang oras bago siya paslangin.

Ayon sa Canadian media, magkakilala umano ang biktima at ang mga suspek. At dahil sa sensitibo umano ang impormasyong nakalap ng pulisya, hindi muna nila sinabi ang motibo sa krimen. Gayunpaman, nahaharap sa kasong first degree murder at indignity to human remains ang dalawa.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *