Connect with us

International

SKYDIVER, PATAY NANG HINDI BUMUKAS ANG PARACHUTE

Published

on

Not the actual photo, for illustration purposes only. Photo from inc.com

Patay ang isang batikang skydiver kahapon matapos na hindi bumukas ang gamit nitong parachute sa isang kompetisyon.

Kinilala ang biktima na si Dimitri Didenko, 30 taong gulang, tubong Russia at kasalukuyang naninirahan sa Italy. Isa si Didenko sa mga kalahok sa Wingsuit Diving Australian Championships in Western Australia na ginanap sa Jurien Bay, Perth.

Ayon sa ulat ng pulisya, tumalon si Didenko mula sa taas na 20,000ft subalit sa kasamaang palad ay hindi bumukas ang parachute nito. Agad na sumugod ang emergency crew sa pinagbagsakan ng biktima ngunit hindi na nila ito nagawang iligtas.

Ayon kay Leslee Holmes, presidente ng Dandaragan Shire, “The first responders, and the (people) who had to witness this, it must be absolutely chilling. For the town of Jurien Bay and the Shire of Dandaragan, this is our premium business; we attract so many people to the town.”

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente ang Australian Parachute Federation.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *