Connect with us

International

BANGKAY NG SARILING INA, 10 TAONG ITINAGO SA FREEZER

Published

on

Not the actual photo, for illustration purposes only.

Itinago ng isang Haponesa ang bangkay ng sariling ina sa isang freezer sa loob ng sampung taon.

Ang suspek na kinilalang si Yum Yoshino, 48 taong gulang ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya “on suspicion of abandoning and hiding a female body” matapos madiskubre ang bangkay na nasa freezer sa loob ng isang apartment sa Tokyo nitong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay Yoshino, nang malaman niyang patay na ang ina, nagpasya umano siyang itago ang mga labi nito sa freezer dahil sa takot na siya ay mapaalis sa inuupahan nilang bahay. Ang ina rin umano ang nakapangalan sa inuupahang unit sa isang municipal housing complex.

Kalagitnaan ng Enero nang sapilitang pinaalis si Yoshino sa nasabing apartment dahil hindi na ito nakakapagbayad ng renta. Dito na nadiskubre ng isang tagalinis ang bangkay. Ayon sa pulisya, nakabaluktot ang katawan upang kumasya sa loob ng freezer.

Tinatayang nasa edad 60 na ang ina ni Yoshino nang sumakabilang-buhay ito, isang dekada na ang nakararaan. Walang nakitang anumang sugat sa bangkay nang isinailalim ito sa otopsiya, subalit hindi masabi ang sanhi ng pagkamatay nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *