Connect with us

International

19 sunog na mga katawan ng tao, natagpuan malapit sa border ng MEXICO-US

Published

on

Photo| The Guardian

CIUDAD VICTORIA, Mexico- Natagpuan ang mahigit 19 na sunog na katawan ng tao malapit sa border ng Mexico at US.

Ayon sa Tamaulipas state prosecutor’s office, may mga tama pa ng baril ang mga ito,

Base sa impormasyon ng mga residente, una nilang nakita ang dalawang sasakyan na nasusunog  kung saan nakita ang mga sunog na katawan ng tao.

Sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad, dahil walang natagpuang mga basyo ng bala sa lugar na pinangyarihan,  posibleng ang mga biktima ay pinatay sa ibang lokasyon.

Napag-alamang ang hilagang-silangan na estado ng Tamaulipas ay kilala sa marahas na pagpatay at pagkawala, na madalas may kinalaman sa malakas na mga cartel ng droga na nakikipaglaban para sa teritoryo.

Source: BBC News, Newsinfo.inquirer.net

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *