Connect with us

International

PANGALAN NI US PRES TRUMP, NAKAUKIT SA KATAWAN NG ISANG MANATEE

Published

on

Trump Manatee
Larawan mula sa Maritimeherald.com

Ilang araw matapos ang mga kontrobersyang kinasangkutan ni outgoing US President Donald Trump, natawag ang atensyon ng mga kinauukulan dahil sa nakaukit na pangalan ni Trump sa likod ng isang manatee.

Ang nasabing manatee ay nadiskubre sa Blue Hole on Homosassa River, batay sa nailathalang ulat ng Citrus County Chronicle.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng US Fish and Wildlife Service ang insidente dahil sa pang-aabuso sa sea creature.

Malinaw na mababasa ang salitang TRUMP na mangyayari lamang dahil sa malalim na pagkakaukit nito sa katawan ng manatee.

Posible rin umanong may mensaheng nais ipaabot ang kung sino mang may gawa nito.

Ang nangyari sa manatee ay isang Class A federal criminal offense at ang sinumang mahuling gumagawa nito ay maaaring makulong ng hanggang isang taon at pagmultahin ng $50,000.

Patuloy na umaapela ang mga kinauukulan sa kung sino man ang makapagbibigay ng imporasyon hinggil sa sinapit ng manatee.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *