Connect with us

International

110 na magsasaka sa Nigeria patay sa pag-atake ng Boko Haram Islamist

Published

on

Photo| Independentpress.com

Nasa 110 katao ang namatay sa naganap na pag-atake ng Boko Haram Islamist sa hilagang silangan ng Nigeria ayon sa United nations humanitarian coordinator.

Sa imbestigayon ng Nigerian authority, lumalabas na naunang tinarget ng armadong grupo ang mga magsasaka na nakatira sa Koshobe sa Maidurugi nitong Sabado.

Tinali ng mga armadong suspek na nakasakay sa motor ang mga magsasaka na nag-aani sa palayan at ginilitan sa leeg ayon sa pro-government anti-jihadist militia.

Bukod sa mga nasawi, sugatan din ang 6 katao habang 8 pa ang napaulat na nawawala.

Tinatarget ang mga magsasaka dahil sa paniwalang espiya ang mga ito ng militar at pamahalaan makaraang muling pasimulan ang naunsyaming eleksyon sa Nigeria.

Ilang beses ng na suspende ang halalan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pag-atake ng grupo ng Boko Haram.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *