Connect with us

International

Prime minister ng Lebanon, nag resign sa pwesto matapos ang massive explosion sa Beirut

Published

on

Umalis na sa kanyang pwesto si Lebanese Prime Minister Hassan Diab.

Ito ay kasunod sa nangyaring warehouse explosion dahil sa 2,750 toneladang ammonium nitrate na naka imbak sa pier sa Beirut kung saan ikinamatay ng 160 katao at mahigit 6 na libo ang nasugatan.

Maliban kay Diab, nauna nang nag resign sa pwesto sina Minister Marie Claude Najm, Information Minister Manal Abdel Samad, at Environment Minister Damianos Kattar.

Ang 61 anyos na si Diab ay isng professor at dating minister of education at umupo bilang prime minister nitong Enero lamang.

Kahit na hindi pa nangyari ang malawakang pagsabog, marami ng problema ang kinakaharap ang Lebanon lalo na sa mga alegasyon ng korapsyon at economic crisis.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *