Connect with us

International

Vietnam, naka-record ng pinakaunang COVID-19 death

Published

on

Naka-record ng pinakaunang COVID-19 death ang Vietnam kahapon.

Ang namatay ay ang 70 anyos na lalaki mula sa Hoi An City.

Bago ang outbreak na nai-report sa resort ng Da Nang nitong linggo lamang, wala ng bagong infections na nai-record sa Vietnam ng mahigit 3 buwan.

Sa 95 million na popolasyon ng Vietnam, 509 lamang ang reported cases simula ng mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.

Nauna ng isinarado ng Vietnam ang kanilang borders sa lahat ng travelers, maliban lamang sa mga umuuwi nilang citizens bago pa man naireport ang confirmed cases sa bansa. Ini-require din lahat ng umuuwi na sumailalim sa 14-day quarantine sa government facilities ag testing.

Ngayong linggo lang din nalaman ang bagong kaso sa sikat na resort na Da Nang. Libo-libong mga turista ang naroon sa syudad ng madiskubrihan ang mga kaso at pinangangambahang nahawa na sila ng virus.

Agad na isinara ng gobyerno ang syudad sa mga bisita at ipinatupad ang total lockdown noong Myerkules, Hulyo 29.

“We have to act more swiftly and more fiercely in order to control the outbreak,” ayon kay Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *