Connect with us

International

MAHIGIT 250,000 NA BAGONG KASO NG COVID-19 SA BUONG MUNDO, NAITALA SA LOOB LAMANG NG 24 ORAS

Published

on

Naitala ng World Health Organization (WHO) ang mahigit 250,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa mundo sa loob lamang ng 24 oras.

Noong, Sabado may kabuuang 259,848 na mga bagong kaso ang nai-record, mas mataas kung ikukumpara sa na- record noong Byernes na 237,743.

Lumampas na rin sa 14 million ang kaso ng COVID-19 sa mundo noong Byernes na may halos 600,000 ang namatay.

Estados Unidos ang may pinakamaraming nai-record na kaso noong Sabado, sinundan ng Brazil, India, at South Africa.

71,484 amg nadagdag sa USA, 45,403 sa Brazil, 34,884 sa India at 13,373 naman sa South Africa.

Lumampas na rin sa 1 million ang COVID-19 cases sa India at pangatlo na sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng naturang sakit.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *