Connect with us

International

Pilipinas, prayoridad ng COVID-19 vaccine ng Tsina: Xi Jinping

Published

on

Nagkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa telepono, habang tinitiyak sa bansang makikinabang ito sa nililikha nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Kinumpirma ito ng Palasyo, na nagkausap ang dalawa, bisperas ng “Araw ng Kalayaan” Huwebes (June 11) ng gabi.

Tumagal umano ng 38 minutos ang pag-uusap ng pangulo at ng Chinese President.

“The president mentioned to his Chinese counterpart the need for cooperation in research trials for COVID-19 vaccine development and underscored the importance of making the vaccine accessible and affordable to all countries,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque sa ulat ng state-run PTV.

“President Xi, on the other hand, assured PRRD his country’s commitment to make the vaccine available for all, adding that the Philippines, as a friendly neighbor, would certainly be a priority,” wika pa ni Roque.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *