Connect with us

International

2 takas na preso sa Rome, nangakong babalik din

Published

on

Nag-iwan pa ng sulat ang magpinsang preso sa Rome bago tumakas at nangakong babalik din sila agad.

Sa ulat ng Repubblica daily, kinilala ang magpinsan na sina Davad Zukanovic, 40, at Lil Ahmetovic, 46, na tumakas sa Rebibbia prison noong June 2.

Inakyat nila ang pader gamit ang water hose sa pagtakas.

Nangako ang dalawa na babalik din sila pagkalipas ng 15 araw dahil may mga personal na bagay lang silang kailangan ayusin.

Ayon pa sa report, kailangan nilang protektahan ang kanilang mga anak sa kanilang pinasok na gulo.

Nakasulat rin sa note na sila lang ang makakatulong sa kanilang mga anak dahil kapwa nakakulong din ang kanilang mga asawa.

Nahaharap ang dalawa sa pagkakulong hanggang taong 2029 dahil sa panggagantso at pagnanakaw.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *