Connect with us

International

Doktor ng Wuhan Central Hospital na siniwalat ang COVID-19 censorship sa China, misteryosong nawala

Published

on

Napaulat na nawawala ang isang Chinese coronavirus doctor dalawang linggo matapos batikusin ang gobyerno ng China dahil sa pagtatago ng impormasyon tungkol sa COVID-19.

Si Dr. Ai Fen, ang head of emergency department ng Wuhan Central Hospital ay isa sa mga doktor na nagsiwalat nang ginagawa umanong censorship ng China sa impormasyon sa coronavirus.

Sa panayam ng People’s Daily Group Magazine, inihayag ni Dr. Ai Fen na naantala ang kanilang hakbang hinggil sa COVID-19 dahil sa pag-censor ng Chinese government at nakapagpalala rin aniya ito ng pagkalat ng virus batay sa ulat ng Reporters Without Borders (Reporters Sans Frontières or RSF).

“In her media interviews, Dr. Ai Fen said China’s censorship delayed the adoption of measures against the coronavirus crisis and therefore contributed to its spread in China,” pahayag ni Cédric Alviani, head ng East Asia bureau ng RSF.

Dagdag pa ng Reporters Without Borders, ipinatanggal na sa mga news stands ang mga magazine na naglalaman ng panayam kay Dr. Ai Fen, burado na rin ang mga article sa website.

Unang napaulat ang pagkawala ng doctor sa Australian TV program na 60 minutes noong Marso 29.

Pinaghahanap na ngayon ang doktor dahil wala pang payak na impormasyon hinggil sa kalagayan nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *