International
Tatlong bansa sa Europa nakapagtala ng mahigit 500 nasawi sa COVID—19 sa magdamag

Published
11 months agoon

Sa mga bansa sa Europa na apektado ng COVID-19 ang Italy, France at Spain ang nakapagtala ng mahigit 500 nasawi sa COVID-19 sa loob lamang ng isang magdamag.
Sa pinakahuling datos, ang Italy ay nakapagtala ng 525 na pinakabagong nasawi sa sakit kaya umabot na sa 15,887 ngayon ang kanilang death toll.
Umabot na din sa mahigit 128,900 ang kaso ng COVID-19 sa Italy.
Ang France naman ay nakapagtala din ng panibagong 518 na nasawi kaya umabot na sa 8,078 ang bilang ng kanilang death toll at mahigit 92,800 na kaso ng sakit.
Ang Spain ay nakapagtala din ng 571 na nasawi sa magdamag hanggang sa umabot na sa 12,518 ang bilang ng nasawi sa bansa.
Mayroon din itong mahigit 130,800 na kaso ng COVID-19.
Source: radyo.inquirer.net
You may like
-
LGU LIBACAO, NAGPAALALA SA MAG MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA HEALTH PROTOCOLS SA MGA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
-
ILANG BAHAGI NG POBLACION, MAKATO, ISINAILALIM SA ‘TEMPORARY LOCKDOWN’ PARA SA CONTACT TRACING
-
GATAS NG ISANG INA, NAGKULAY BERDE MATAPOS MAGKA-COVID
-
6 NA ASAWA, SABAY-SABAY NABUNTIS AT PINAKASALAN NG KANILANG GWAPONG MISTER
-
LSI lumabas sa quarantine facility para dumalo sa birthday party
-
BREAKING NEWS: Mula isa hanggang umabot sa mahigit 41 call center agents sa Bacolod, nagpositibo sa COVID-19