Connect with us

International

103-anyos na lola sa Iran, gumaling sa coronavirus disease

Published

on

Photo courtesy| AP Photo/Vahid Salemi

Gumaling mula sa sakit na coronavirus disease ang isang 103-anyos na babae sa Iran ayon sa report ng state media.

Ayon sa ulat ng IRNA news agency, naospital sa central city ng Semnan sa loob ng isang linggo ang hindi na pinangalanang pasyente.

Pero agad naman itong nakalabas matapos makarekober sa sakit saad ng Semnan University of Medical Sciences head na si Navid Danayi sa interbyu ng IRNA.

Siya na ang ikalawang may edad na pasyente na gumaling sa Iran kasunod ng 91-anyos na lalaki mula Kerman ayon pa sa news agency.

Nauna nang nakarekober ang lalaking pasyente sa kabila ng pagkakaroon nito ng high blood pressure at asthma.

Samantala, hindi na binanggit sa ulat kung paano ginamot ang dalawa.

Source: https://www.channelnewsasia.com/news/world/103-year-old-iran-woman-survives-covid-19-coronavirus-report-12552410

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *