Connect with us

International

15 patay, 50 gusali napinsala sa pagsabog ng gas plant sa Nigeria

Published

on

Reuters photo via www.dailysabah.com

Hindi bababa sa 15 katao ang nasawi at halos 50 gusali ang natupok ng apoy bunsod ng pagsabog ng isang gas processing plant sa Lagos, Nigeria nitong Linggo.

Ayon sa Nigerian National Petroleum Corporation (NNPC), nangyari ang insidente matapos bumangga ang isang truck sa mga nakahilerang tangke ng gas sa labas ng planta.

Sa lakas ng pagsabog ay nadamay ang mga kalapit na bahay sa lugar.

Ayon sa tagapasalita ng National Emergency Management Agency (NEMA) na si Ibrahim Farinloye, marami sa mga residente ang nasugatan at dinala sa ospital.

“15 bodies have been recovered now. So many people have been injured,” saad ni Farinloye.

Pansamantalang ipinasara ang mga pipeline ng mga produktong petrolyo sa lugar.

Source: https://www.dailysabah.com/world/africa/at-least-15-killed-as-gas-explosion-destroys-50-houses-in-lagos-nigeria

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *