Connect with us

International

Asawa ni Canadian PM Justin Trudeau, positibo sa COVID-19

Published

on

Photo courtesy|http://www.asianpolicy.press/

Nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na si Sophie Grégoire Trudeau nitong Huwebes.

Pahayag ng opisina ng ministro, sumailalim sa test ang asawa nito at nagpositibo sa sakit matapos bumalik mula sa isang speaking engagement sa London.

Giit pa nito na sinusunod nila ang medical advice ng mga doktor at nasa maayos naman itong kalagayan habang naka isolate. “She will remain in isolation for the time being.

She is feeling well, is taking all the recommended precautions and her symptoms remain mild,” ayon pa sa pahayag.

Maging ang ministro ay kailangan din na sumailalim sa 14 day quarantine ngunit hindi ito susuriin dahil wala naman itong sintomas ng sakit.

Nakaranas ng low fever bilang sintomas ang asawa ng punong ministro, ayon sa naunang pahayag.

Umaabot na sa 103 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Canada.

Source: https://www.bbc.com/news/world-us-canada-51860702