Connect with us

International

NATIONAL EMERGENCY IDINEKLARA SA SOMALIA

Published

on

Photo from the web.

Nagdeklara na ng national emergency ang Somalia matapos salakayin ng insektong locust o balang ang rehiyon ng East Africa.

Unang sinalakay ng makapal na grupo ng balang ang Somalia nitong Disyembre na sumira ng halos 100, 000 ektarya ng mga pananim.

Ipinabatid ni Said Hussein, Somali Minister of Agriculture and Irrigation na malaking banta sa kanilang bansa na nakakaranas na ng problema sa food security ang locust outbreak.

Umapela na ng tulong ang Somali government sa kanilang mga international partners para makalap ang halagang $1 billion para suportahan ang 3 million na mga Somalis ngayong taon.

Ayon sa United Nations Food and Agricultural Organization, kinakailangan ng inisyal na $3 million para puksain ang mga locust.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *