International
Simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa Los Angeles sinalakay ng mga otoridad

Published
1 year agoon

Sinalakay ng Federal agents ang simbahan sa Los Angeles ni Kingdom of Jesus Christ leader, Pastor Apollo Quiboloy, Miyerkules ng umaga (January 29), oras sa Estados Unidos.
Arestado ang dalawa sa church leaders matapos silang imbestigahan dahil sa immigrant trafficking.
Ayon sa mga otoridad sa amerika, modus umano ng mga ito na kumbinsihin ang kanilang mga kapanalig na kumalap ng pondo at mag-asikaso ng bogus na kasal para manatili sila sa Estados Unidos.
Kabilang sa nadakip ang local leader ng Jesus Christ Church dahil sa kasong may kinalaman sa immigration fraud.
Ayon sa U.S Attorney’s Office, kasama din sa nadakip ang isa sa mga manggagawa ng simbahan kung saan nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang mga pasaporte ng mga biktima.
Via/Source: radyo.inquirer
You may like
-
Thai woman, senentensyahan ng 43 taong pagkakabilanggo matapos insultuhin ang Royal Family sa Thailand
-
EROPLANONG GALING JAKARTA, PINANINIWALAANG BUMAGSAK SA DAGAT
-
OIL TANKER, NASUNOG SA INDIAN OCEAN, FILIPINO CREWMAN, PATAY
-
FB CEO MARK ZUCKERBERG’S WORTH: $100 BILLION
-
(UPDATE) DFA, KINUMPIRMA NA UMABOT NA SA 31 PINOY ANG SUGATAN, 4 NASAWI SA PAGSABOG SA BEIRUT LEBANON
-
Today in Ph History, Jan. 29, 1889, Francisco Santiago was born in Santa Maria, Bulacan