Connect with us

International

UNANG KASO NG NOVEL CORONAVIRUS SA GERMANY NAITALA

Published

on

Photo | Annegret Hilse, Reuters

Nagtala na ang Germany ng bagong kaso ng novel (new) coronavirus na nauna ng kumalat sa China.

Ang kaso ay naitala sa Bavarian Region matapos magpositibo sa virus ang isang lalaki.

Batay sa Bavarian Ministry of Health sa Munich, naka-isolate na ang naturang lalaki at bumubuti naman ang kondisyon nito.

Dahil dito, napasama na ang Germany sa mga bansa na mayroong kumpirmadong kaso ng nCoV.

Samantala, naitala naman na sa Canada ang ikalawang kaso ng sakit.

Ito ay matapos na magpositibo sa nCoV ang misis ng lalaking pasyente na unang nagpositibo.

Nasa edad 50 ang babaeng pasyente at bumubuti naman na ang kondisyon.

Sa ngayon, maliban sa China, ang mga bansang may kumirmadong kaso ay ang mga sumusunod:

– Thailand: 8
– Japan: 4
– South Korea: 4
– U.S.: 5
– Vietnam: 2
– Singapore: 5
– Malaysia: 4
– Nepal: 1
– France: 3
– Australia: 5
– Canada: 2
– Germany: 1
– Cambodia:1

Via/Source: radyo.inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *