International
China nagpatupad ng travel ban sa Wuhan city dahil sa new coronavirus outbreak

Published
1 year agoon

Ipinahinto ng mismong gobyerno ng China ang lahat ng biyahe ng eroplano sa mga paliparan sa Wuhan City dahil sa outbreak ng new coronavirus.
Nagpatupad na ang mga otoridad ng travel ban sa kanilang residente patungo sa siyudad ng Wuhan maging ang paglabas ng mga mamamayan sa naturang lugar ay pinagbabawal na din.
Ang nasabing hakbang ay upang maawat ang pagkalat ng new coronavirus na kahalintulad ng SARS.
Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO) pinagliban muna nito ang pagdedesisyon kung idedeklara na ba ang global health emergency dahil sa nasabing sakit.
Batay sa WHO, kailangan pang mangalap ng karagdagang mga impormasyon at magsagawa ng mas masusing pag-uusap.
Muli pang magpupulong ang emergency committee ng WHO para ituloy ang diskusyon.
Source: radyo.inquirer
You may like
-
9 NA MINERO SA SUMABOG NA MINAHAN SA CHINA, PATAY; 11 NAILIGTAS
-
Thai woman, senentensyahan ng 43 taong pagkakabilanggo matapos insultuhin ang Royal Family sa Thailand
-
EROPLANONG GALING JAKARTA, PINANINIWALAANG BUMAGSAK SA DAGAT
-
Ikalawang Pinoy nasagip mula sa tumaob na cattle ship, nakilala na
-
OIL TANKER, NASUNOG SA INDIAN OCEAN, FILIPINO CREWMAN, PATAY
-
FB CEO MARK ZUCKERBERG’S WORTH: $100 BILLION