International
Ilang bahagi ng Australia, inulan ng yelong halos kasing laki ng bola ng golf

Published
12 months agoon

Habang patuloy ang wildfires sa silangang Australia, sinalanta din ng hail storm o pag-ulan na may kasamang yelo na kasing laki ng bola ng golf ang ilang bahagi nito.
Base sa ulat, inulan ng yelo ang lungsod ng Melbourne, Sydney at Canberra nitong Linggo at Lunes.
Batay sa impormasyon ng Bureau of Meteorology, na nakabase sa New South Wales, nakapag-tala umano sila ng malaking pinsala.
Dahil sa naganap na hail storm may mga sasakyang nabasag ang windshield, mga bahay na nasira at ilang kataong naapektuhan maging ang mga negosyo ng ilang residente.
Namatay din ang ilang hayop at nasira ang mga halaman dahil sa pangyayari.
Nakatanggap anila ang kanilang Emergency Services Agency ng record na 1,900 na tawag para humingi ng saklolo.
Kwento pa ng isang residente ng Hawthorn, Melbourne, nagulat umano sya sa nangyari.
“The hail sounded like a pinball machine, I’ve lived in Melbourne for a long time and I’ve never seen or experienced something like this,” saad ni Krystian Seibert.
You may like
-
EROPLANONG GALING JAKARTA, PINANINIWALAANG BUMAGSAK SA DAGAT
-
OIL TANKER, NASUNOG SA INDIAN OCEAN, FILIPINO CREWMAN, PATAY
-
FB CEO MARK ZUCKERBERG’S WORTH: $100 BILLION
-
(UPDATE) DFA, KINUMPIRMA NA UMABOT NA SA 31 PINOY ANG SUGATAN, 4 NASAWI SA PAGSABOG SA BEIRUT LEBANON
-
Simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa Los Angeles sinalakay ng mga otoridad
-
Today in Ph History, Jan. 29, 1889, Francisco Santiago was born in Santa Maria, Bulacan