Connect with us

International

Ganti ng Iran nagsimula na; mahigit 1 dosenang missile pinaulan sa US military base

Published

on

Getty Images

Nagsimula na ang Iran sa paghihiganti nito sa Amerika matapos ang pagkasawi sa airstrike ni top Iranian general Qasem Soleimani noong nakaraang linggo.

Base sa impormasyon, magkakasunod na airstrike ang bumagsak sa Ain al-Assad military base.

Ang nasabing base ay pinananatilihan ng US troops na responsable umano sa airstrike na nakapatay kay Soleimani.

Batay sa ulat ng Iran News Agency, inako ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iraq ang responsibilidad sa naganap na pag-atake.

Samantala, tiniyak naman ng Estados Unidos na poprotektahan nila ang kanilang mga sundalo at mamamayan.

“We are working on initial battle damage assessments.”

“As we evaluate the situation and our response, we will take all necessary measures to protect and defend U.S. personnel, partners, and allies in the region,” pahayag ni Pentagon spokesman Jonathan Hoffman.

via / source : Radyo Inquirer

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *