Connect with us

International

3-libo US troops susugod sa Iran

Published

on

Tumaas ang tensiyon sa Middle East kasunod ng pagpatay kay Iranian Gen. Qasem Soleimani kung saan 3,000 US troops ang naghahanda na para ipadala sa rehiyon.

Bagama’t nakadarama ng takot at tensiyon, walang nagawa ang mga pamilya at mahal sa buhay ng tropa ng mga sundalo sa United States (US) kundi ang pumayag dahil tungkulin umano ito ng kanilang mga asawa at kaanak na sundalo.

Ang siyudad ng Fayetteville, North Carolina, kung saan naninirahan ang maraming pamilya na malapit sa Fort Bragg military installation, ang siyang tahanan ng mahigit sa 53,000 troops.

Sa pahayag sa CNN ng isang misis na ang mister ay kabilang sa US troops na ipadadala sa Iran, ipinadala na ang kaniyang asawa para isailalim sa pagsasanay.

Galing umano ito sa training sa Africa at pagkatapos ay magtutungo sa Mediterranean at mananatili na sana European countries subalit kasama nang ipadadala sa Middle East.

“It’s stressful for sure, especially with everything that has escalated recently. He was supposed to be only doing training, and now it’s obviously transpired into something else,” anang misis.

Article: ABANTE

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *