Connect with us

International

TATLONG PALAPAG NA FACTORY SA BANGLADESH NILAMON NG APOY, 10 KATAO PATAY

Published

on

Photo from The Daily Star

Patay ang nasa 10 katao sa naganap na sunog sa Luxury Fan Factory sa Gazipur sa Dhaka, Bangladesh.

Sa impormasyong ibinahagi ni fire official Mamunur Rashid, nangyari ang sunog Linggo ng gabi.

Agad naman umanong narekober ng mga rumespondeng bumbero ang bangkay ng 10 biktima ng tupukin ng apoy ang tatlong palapag na factory.

Samantala, hindi pa batid sa imbestigasyon ng otoridad ang pinagmulan ng sunog.

Ayon sa ulat, ito na rin ang pangalawang malaking sunog sa loob ng isang linggo.

Kamakailan lang ay nasunog rin ang isang plastic factory malapit sa Dhaka na pumatay sa 15 katao.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *