Connect with us

International

Senegal nat’l, naglitas ng lalaking naka-wheelchair sa sunog sa Spain

Published

on

Roberta Etter/Reuters

Bayani ang naging turing sa isang undocumented migrant galing Senegal nang iligtas niya ang isang lalaking naka-wheelchair sa nasusunog nitong apartment.

Kinilala ang migranteng si Gorgui Lamine Sow, isang street vendor.

Ayon kay Sow, naglalakad siya sa coastal city ng Denia nitong Biyernes nang marinig niya ang sigaw sa di-kalayuan.

Agad niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng kumosyon at nakita ang maitim na usok na nanggagaling sa bintana ng second floor ng apartment.

“I didn’t think about it. I just dropped my things and started climbing.” dagdag pa nito.

Matapos niyang makapasok sa loob ng apartment ay pinasan niya ang lalaki at dinala niya ito pababa gamit ang hagdan na sinet-up ng isang kapitbahay.

Kinilala naman ang biktima sa sunog na si Alex Caudeli Webster, 39 anyos.

Ilang araw matapos ang nangyaring insidente, napag-alaman ni Sow na bayani ang turing sa kanya ng mga tao.

Dahil sa kabayanihang ginawa ni Sow, pinag-aaralan na ang pagbibigay sa kanya ng residency ng pamahalaan.

Samantala, kasama ni Sow na nakatira sa Gandia ang kanyang nobya at 7-month-old na anak na babae. / Remate News Team

Source: remate.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *