Connect with us

International

Bulkan sa New Zealand, biglang sumabog; 5 katao nasawi

Published

on

Photo: George Novak/New Zealand Herald/Associated Press

Biglaang sumabog ang isang bulkan sa isang lugar sa New Zealand kung saan dinarayo ng mga turista.

Nagbuga ng abo ang naturang bulkan nitong Lunes sa White Island.

Batay kay Geological and Nuclear Sciences (GNS) Ken Gledhill umabot sa 12,000 ft na taas ang pagsabog ng Whakaari/White Island.

Sinasabing hindi umano bababa sa 50 katao ang nasa lugar nang sumabog ang bulkan.

Ayon kay New Zealand National Operation Commander Deputy Commissioner John Tims, hinahanap pa ang 10 kataong nawawala habang nasa 23 indibiduwal naman ang inilikas sa isla.

Napag-alaman din na mayroong nakadaong na crew ship sa isla nang maganap ang pagsabog kung saan base sa ulat na tinatayang nasa 30 hanggang 38 ang pasahero nito ayon sa New Zealand Cruise Association.

Sinabi rin ni Tim na kinabibilangan ng iba’t ibang nationality ang mga namatay sa pagsabog.

Sa ngayon ay hindi pa mabatid ng kinauukulan ang kabuuang bilang ng mga biktima sa pagsabog dahil patuloy pa rin ang beripikasyon at rescue operation.

Ang Whakaari/White Island ay tinaguriang “one of the world’s most accessible active volcanoes” sa White Island Tours website.

Ayon naman sa GeoNet website, higit 10,000 turista ang bumibisita sa nasabing isla kada-taon.

Source: Remate Online

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *