Connect with us

International

19 katao patay matapos mahulog ang sinasakyang bus sa frozen river sa Siberia

Published

on

Photo from AP

Umabot sa 19 katao ang nasawi habang 21 pa ang sugatan matapos mahulog ang isang bus sa nagyeyelong ilog sa Siberia.  

Batay sa ulat, sumabog umano ang gulong ng naturang bus habang tumatawid ito sa tulay, sa bahagi ng Kuenga river sa silangang rehiyon ng Zabaikalsky ng Siberia.

Napag-alaman na lulan ng nasabing bus ang nasa 40 pasahero nang maganap ang trahedya kabilang na ang mga bata.

Ayon sa pahayag ng Russia’s emergencies ministry, galing umano ng Sretensk ang bus at patungo sana ito sa lungsod ng Chita.

Humiling naman ang head ng Investigative Committee na magkakaroon ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente.

Gayunpaman, sinabi ni Prime Minister Dmitry Medvedev sa kanyang kinatawan na si Tatyana Golikova na gawin ang lahat upang matulungan ang mga pamilya ng mga biktima.

“The head of government expressed condolences to the families of those who died,” pahayag ng gobyerno.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *