Connect with us

International

Lalaki, na-ospital matapos bumirit

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

Sa ospital ang bagsak ng isang 65-anyos na lalaki sa China matapos nitong bumirit sa karaoke.

Ang lalaki na nakilala sa apelyidong Wang ay mula sa Nanchang County, Jiangxi, China.

Pahayag ni Wang, siya umano ay “very excited in the heat of the moment,” nang mangyari ang hindi inaasahan.

Sampung matataas na kanta na ang naibirit ni Wang nang mkaramdam ito ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga. Inakala umano ni Wang na kakaiba ang kaniyang nararamdaman subalit ipinagwalang bahala niya ito dahil sanay naman siyang bumibirit.

Tumindi ang sakit na nararamdaman ni Wang kung kaya’t kinabukasan ay nagpasya na siyang pumunta sa ospital.

Ayon sa mga doktor na tumingin kay Wang, bumigay ang kaniyang baga. Ang kundisyong ito ay tinatatawag na pneumothorax, na maaaring maging life-threatening kung hindi maaagapan.

Ani Dr. Peng Bin-fei, isa sa mga doktor na sumuri kay Wang, “his (Wang) lung collapsed because of the high lung pressure caused by singing high notes.”

Madalas umanong mangyari ang ganitong uri ng pinsala sa mga middle-aged men, gayundin sa mga matatandang lalaki. Payo ng mga doctor na iwasang kumanta ng tuloy-tuloy, lampas dalawang oras.

Sources:
www.livescience.com
www.lucisphilippines.press

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *