Connect with us

International

SOUTH KOREA BUKAS SA VISA FREE POLICY PARA SA MGA PINOY

Published

on

Handa ang pamahalaan ng South Korea na magpatupad ng visa free policy sa mga Pinoy na nais na magtungo sa kanilang bansa.

Ito ang inihayag ni South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong Man sa gitna ng pagsisikap ng kanilang pamahalaan at Philippine government na matugunan ang problema sa illegal OFW sa South Korea.

Ayon kay Ambassador Han, kailangan lang na mapababa ang bilang ng mga iligal na nagtatrabahong mga Pinoy sa kanilang bansa at mula duon ay handa nilang ikunsidera ang visa free policy sa mga Pilipino.

Binigyang diin ng South Korean official na isang joint effort ng kanilang gobyerno at ng pamahalaang Pilipinas para mapababa ang bilang ng mga OFW na nasa South Korea na nagtatrabaho ng walang hawak na kaukulang permiso. 

By: Kris Jose

Via/Source: remate.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *