Connect with us

International

EROPLANO BUMAGSAK SA CONGO; 24 KATAO PATAY

Published

on

Patay ang 24 katao matapos na bumagsak ang isang eroplano sa mga kabahayan sa silangang lungsod ng Goma sa Congo.

Kabilang sa mga nasawi sa naturang trahedya ay mga pasahero, crew at residente ng pinagbagsakang lugar.

Ang Dornier 228-200 aircraft ay pag-aari ng pribadong carrier na Busy Bee at patungo sanang Beni, sa hilaga ng Goma lulan ang 16 pasahero at 2 crew members.

Patuloy naman ang imbestigasyon  ng otoridad ukol sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *