Connect with us

International

PINAY NURSE, PATAY SA HIT-AND-RUN SA TEXAS, USA

Published

on

Images from Fox News

NASAWI ang isang pinay nurse matapos mabiktima ng hit-and-run sa Garland City, Texas, USA.

Kinilala ang biktima na si Joyce Cawis, 46 anyos, tubong La Trinidad, Benguet.

Batay sa impormasyon ng pulisya, may dalawang anak si Cawis at nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital sa Garland City.

Ayon sa ulat, patungo umano ang biktima sa kanyang trabaho lulan ng kanyang sasakyan na Toyota 4Runner nang mabunggo ito ng isang quad-cab pickup.

Sa kuha ng CCTV, makikitang mabilis ang takbo ng nasabing pickup bago bumangga sa biktima.

Nakita rin ang mabilis na pagtakas ng driver ng pickup gamit ang ibang sasakyan.

Dinala sa ospital kung saan nagtatrabaho ang biktima pero binawian din ito ng buhay.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng di nakilalang driver.

Samantala, nag-aalok ng pabuyang $5,000 ang grupong Crime Stoppers para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *