Connect with us

International

BANGKA SA SOUTH KOREA NILAMON NG APOY; 1 NASAWI, 11 NAWAWALA

Published

on

Photos from the web / Right: The Associated Press

NILAMON ng apoy ang isang bangka sa South Korea kung saan nadatnan na lamang na walang buhay ang isang mangingisda.

Sa imbestigasyon ng coast guard, nasunog ang bangka bandang 7:00 ng umaga sa karagatang sakop ng Southern Island ng Jeju.

Ayon sa impormasyon mula kay Jeju coast guard official Lee Geun-han, anim sa mga lulan ng bangka ay South Korean at ang iba pang anim ay mula sa Vietnam.

Samantala, 11 na crew members ang napaulat na nawawala kasunod ng nangyaring sunog na bangka.

Agad na nagkasa ng search and rescue operations ang coast guard at navy gamit ang kanilang mga bangka, helicopter at patrol plane sa lugar. 

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *