Connect with us

International

Babae, nagpanggap na nagdadalang-tao; ‘nagdadalang droga’ pala

Published

on

Photos from the web.

TIMBOG ang isang babae matapos itong magpanggap na buntis para maipuslit ang 9 pounds na marijuana na nakasilid sa kanyang pekeng baby bump sa Argentina.

Ang hindi pinangalanang babae ay nahuli sa isang bus habang sinasabing tinangka niyang ipuslit ang droga sa border ng Argentina at Chile.

Ayon sa Argentina’s Gendarmería Nacional, bago pa man makalayo ang suspek at ang kasama nito, hinarang at inaresto sila ng otoridad sa isang checkpoint sa Valle de Unco.

Nadiskubre sa isinagawang inspeksyon na ang ‘baby bump’ ng babae ay pinagsama-samang 15 bricks ng packed cannabis gamit ang starch-based paste.

“She made a belly out of paste, hid 15 cannabis bricks inside it and faked a pregnancy before trying to take it from Mendoza to Santa Cruz,” saad ni Argentina’s Minister for Security Patricia Bullrich sa kanyang tweet.

Nakatakdang kasuhan ng ‘drug smuggling’ ang arestadong suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *