Connect with us

International

GAS PIPELINE SA BANGLADESH SUMABOG; 7 PATAY, 25 SUGATAN

Published

on

Photos from the web.

SUMABOG ang gas pipeline sa siyudad ng Chittagong sa Bangladesh kung saan 7 ang nasawi habang 25 naman ang sugatan.

Ayon kay local police chief Mohammed Mohsin, naganap ang pagsambulat ng tubo ng langis kahapon sa harapan ng isang 5 palapag na gusali.

Dahil sa pagsabog, gumuho umano ang mga pader at nagliparan ang iba’t ibang parte ng gusali.

Dinala naman sa Chattogram Memorial College Hospital ang mga sugatang biktima.

Pahayag ni Mohsin, kabilang sa mga sugatan ay dahil sa sunog habang ang iba naman ay nasugatan sa pagbagsak sa pader.

Samantala, ayon naman kay fire service official Amir Hossain, hindi pa matukoy ang mga suspect sa likod ng pagsabog. Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *