Connect with us

International

Estudyante binaril ang sarili matapos barilin-patay ang kanyang 2 kaklase sa isang eskuwelahan sa California

Published

on

Images [Left: Reuters/ Center: AFP / Right: AP]

Patay ang dalawang estudyante matapos silang paulanan ng bala ng kanilang kaklase na kalaunan ay binaril rin ang sarili sa ulo sa isang paaralan sa Southern California.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff’s Department Cpt. Kent Wegener, ang nasawi ay isang lalaki, 14 anyos at ang babae ay 16 anyos, habang tatlo naman ang sugatan.

With a heavy heart, we’re going to move on with the investigation and figure out what went wrong, I hate to have Saugus be added to the names of Columbine, Parkland, Sandy Hook, but it’s a reality that affects us all throughout the nation — something that we’re going to have to figure out,” wika ng sheriff.

Batay sa otoridad ng Los Angeles, ang suspek na kaklase din ng mga biktima ay isang 16 anyos, na dinala din sa ospital at nasa kritikal na kondisyon matapos barilin ang sarili sa ulo.

Base sa mga detectives, nakita sa surveillance video sa Saugus High School sa Santa Clarita, na kinuha ng estudyante ang baril sa kaniyang backpack at saka binaril ang apat na kapwa-estudyante bago magsimula ang klase, Huwebes ng umaga.

Ayon sa otoridad, nangyari ang pamamaril sa araw mismo ng birthday ng suspek.

Samantala, natagpuan ng pulisya ang isang 45 caliber na semiautomatic pistol sa crime scene.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *