Connect with us

International

3 Theater performers sa Saudi Capital, pinagsasaksak sa stage habang naka-live show

Published

on

State TV (Photo Credit : Twitter )

BIGLANG SUMUGOD ang isang lalaki sa stage at pinagsasaksak ang tatlong performers sa kasagsagan ng live show sa Saudi Arabi.

Naganap ang insidente sa King Abdullah Park sa central Riyadh na isa sa mga venue para sa two-month long entertainment festival sa naturang lugar.

Ayon kay Lt. Col. Shaker bin Sulaiman Al Tuwaijri, media spokesman ng Riyadh Police, nangyari aniya ang insidente bandang alas 8, Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kabilang sa biktima ay isang babae at dalawang lalaki na parehong myembro ng theatrical group.

Nagtamo ng mga sugat ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital.

Batay sa ulat ng State News Agency ang umatake ay isang 33 anyos na Yemeni, na naaresto naman kinalaunan.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng suspek sa likod ng pag-aatake.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *