Connect with us

International

2 madre umuwing buntis mula sa kanilang charity mission

Published

on

Photo| Lucis Philippines

Iniimbestigahan ngayon ng Simbahang Romano Katoliko kung papaano nabuntis ang dalawang madre mula sa kanilang charity mission sa Africa.

Ang dalawa ay pawang taga-Africa at binigyan ng hiwalay na atas mula sa Sicily na maglingkod sa charity mission sa kanilang lugar.

Napag-alaman ng isang madre edad 34-anyos na siya ay nagbubuntis matapos magpa-ultrasound dahil sa reklamong sumasakit ang kanyang tiyan.

Ang isa pang madre na isang mother superior mula sa Madagascar na nag-aalaga sa mga matatanda, ay napag-alaman rin na nagdadalantao siya.

Inatasan na ang dalawa na alagaan ang kanilang magiging mga anak habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaan na una nang sinabi ni Pope Francis na ilang mga madre ang napag-alaman na sekswal na inabuso ng mga cleriko.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *