Published
1 year agoon
Nilamon ng apoy ang Shuri Castle na isang World Heritage site sa Okinawa, Japan, madaling araw nitong Huwebes.
Ayon sa ulat, nakatanggap umano ng tawag ang mga emergency responders na may sumiklab na sunog sa Naha, Okinawa bandang 2:40 ng madaling araw.
Agad namang rumesponde ang mahigit 10 fire engines para apulahin ang sunog.
Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Itinayo ang Shuri Castle 500 taon na ang nakalipas sa Ryukyu Dynasty, at itinalaga itong national treasure noong 1933.
Magugunitang nauna itong naabo matapos kainin ng apoy sa panahon ng World War Two at muling itinayo taong 1990.
MISTERYOSONG JAPANESE MAN, BIGLANG NAGLAHO MATAPOS MAMIGAY NG TIG 10 MILYON YEN SA ILANG PAARALAN
BANGKAY NG SARILING INA, 10 TAONG ITINAGO SA FREEZER
Isang IP Scholar sa Negros, pasado sa JLPT N3 sa Japan
DAHIL SA NAIWANG NAKASINDING KANDILA, BAHAY NASUNOG SA BORACAY
Thai woman, senentensyahan ng 43 taong pagkakabilanggo matapos insultuhin ang Royal Family sa Thailand
EROPLANONG GALING JAKARTA, PINANINIWALAANG BUMAGSAK SA DAGAT