Connect with us

International

8 SUNDALO PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG KAPWA-SUNDALO SA RUSSIA

Published

on

Getty Images

Dead on the spot ang walong sundalo habang dalawa ang sugatan matapos na pagbabarilin ang mga ito ng kapwa sundalo sa Siberian military base sa Russia.

Ayon sa pahayag ng Investigative Committee, nakakulong na ang suspek na si Private Ramil Shamsutdinov, miyembro ng Unit 54160.

Nabatid na dumaranas umano ang suspek ng mental health problem.

Batay naman sa Russian Ministry, naganap ang pamamaril bandang 6:20 ng gabi, nitong Biyernes sa Gorny village, malapit sa lungsod ng Chita.

Samantala, base sa inisyal na imbestigasyon, kinabibilangan ng dalawang opisyal at anim na sundalo ang nasawi sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *