Connect with us

International

338 katao inaresto sa Global Cryptocurrency Child Pornography bust

Published

on

Arestado ang administrator ng 'Welcome To Video' na si Jong Woo Son ng South Korea, kasama ang 337 website users na mula sa 12 bansa. (Photograph: iStock)

Inaresto ang daan-daang katao na mula sa ibang panig ng mundo matapos na maitumba ng international multi-agency operation ang South Korea-based dark web child pornography site na nagbebenta ng mahahalay na videos ng mga kabataan kapalit ang digital cash.

Inanunsyo ng Justice Department nitong Miyerkules na timbog ang administrator ng child porn website na si Jong Woo Son ng South Korea, kasama ang 337 website users na mula sa 12 bansa.

Ayon sa mga opisyal mula sa United States, Britain at South Korea, inilarawan nila ang network bilang “world’s largest child pornography operations.”

Tinawag ang naturang site na “Welcome To Video” na kung saan gumagamit ng darknet at bitcoin cryptocurrency ang mga users upang magkaroon ng access sa halos 250,000 videos ng mga kabataan na nakararanas ng pang-aabuso.

Patuloy namang pinag-aaralan ng National Center for Missing and Exploited Children ang iba pang images sa nasabing site. Gayunman, nilarawan nila ang mga litrato dito na violent, abusive, at disturbing.

Batay sa mga otoridad, makikita rin sa website ang labis na footages ng mga menor de edad habang sila ay ginagahasa. Partikular pang nakasaad sa page nito na, “Do not upload adult porn.”

“Darknet sites that profit from the sexual exploitation of children are among the most vile and reprehensible forms of criminal behavior,” wika ni U.S. Assistant Attorney General Brian A. Benczkowski.

Base sa ulat, ang “Welcome To Video” ang kauna-unahang website na gumagamit ng bitcoin para kumita sa pamamagitan ng child pornography.

Ayon sa DOJ, nasa 23 na kabataan na biktima mula U.S., Spain, at United Kingdom ang nailigtas sa operasyon.

Kinasuhan na si Jong Woo Son at ang 337 users na mula sa United States, Australia, Brazil, Canada, the Czech Republic, Germany, Ireland, Saudi Arabia, South Korea, Spain, the United Arab Emirates, at sa U.K.

Samantala, may pahayag naman si Christopher Parsons, senior research associate sa Citizen Lab ng University of Toronto’s Munk School, aniya ang pornography bust ay nagpapakita na ang pagpapatupad ng batas ay maaaring makasubaysubay sa criminal activity na gumagamit ng cryptocurrency transactions.

The seized Welome to Video website, courtesy of the U.S. department of Justice. -Copyright REUTERS/DOJ

“Welcome To Video’s demise is a clear indication that in cases like this, where there’s very low-hanging fruit, breaking encryption is not required,” saad ng senior research associate.

“There’s a lot of a people who have this perception that bitcoin is totally anonymous, and it’s been the downfall of many people in many investigations,” dagdag pa ni Parsons.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *