International
BABAENG SANGGOL, NATAGPUANG NAKALIBING NG BUHAY

Published
1 year agoon

Nailigtas ang isang bagong silang na batang babae matapos itong matagpuan na inilibing ng buhay sa isang sementeryo sa Northern India.
Nakita ang sanggol ng mag-asawa sa estado ng Uttar Pradesh noong Oktubre 10, habang inililibing nila ang kanilang anak na namatay sa ospital.
Batay kay Abhinandan Singh na Superintendent ng Bareilly District, nagsisimula nang maghuhukay ang mag-asawa nang makarinig ng pag-iyak ng isang sanggol mula sa ilalim ng lupa.
Hinukay nila ang pinagmumulan ng iyak at nadiskubre ang isang palayok kung saan nakalibing ang bata may dalawa hanggang tatlong talampakan ang lalim.
“As they dug up two or three feet of dirt, they found a baby girl who had been buried in an earthen pot,” ani Singh.
Ipinagbigay-alam nila ito sa pulisya at agad na dinala ang sanggol sa kalapit na ospital.
Lumalabas na may impeksyon ang bata na tumitimbang lamang ng 1.5 kg at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa tantiya ng pulisya, may anim na oras nang nakalibing ang bata bago pa ito natagpuan.
Inaalam na ng pulisya kung sino ang mga magulang ng bata.
Via| Trainee Kim Louie Navarra
You may like
-
Natunaw na Himalayan glacier, nagdulot ng pagbaha sa India; pinaniniwalaang patay, nasa 150 na
-
PINAKAMALAKING COVID-19 VACCINE FACTORY SA MUNDO NASUNOG SA INDIA, 5 PATAY
-
INDIA, MULING NAKARECORD NG PINAKAMARAMING NADAGDAG NA KASO NG COVID-19 SA LOOB NG ISANG ARAW
-
Isa sa pinakamalaking ospital sa mundo para sa COVID patients, binuksan sa India
-
MGA NASAWI SA HAGUPIT NG CYCLONE AMPHAN SA INDIA, BANGLADESH PUMALO NA SA 82
-
APAT NA MIYEMBRO NG PAMILYA SA INDIA PATAY, MATAPOS MALUNOD DAHIL SA PAGSESELFIE