Connect with us

International

Bagyong ‘Hagibis’ na humambalos sa Japan, Nag-iwan ng 55 patay

Published

on

(Left) Photograph: GettyImages l (Right) Photograph: Xinhua/REX/Shutterstock

Pumalo na sa 55 ang bilang ng nasawi sa hagupit ng bagyong Hagibis na humambalos sa Japan.

Si Hagibis ang tinaguriang pinakamalakas na bagyo na bumayo sa kabisera sa loob ng 60 taon.

Samantala bukod sa mga nasawi, nasa 16 naman ang bilang ng naiulat na mga nawawala pa at 100 ang sugatan.

Batay sa impormasyon, karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagguho ng lupa.

Ayon naman kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe, ipinag-utos niya sa kaniyang mga Cabinet members na tiyakin ang mabilisang pababalik ng suplay ng kuryente at tubig.

Siniguro din ng gobyerno ang agarang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *